Nationwide strike ikakasa ng PISTON
January 26, 2003 | 12:00am
Nagbanta ang mga miyembro ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON na magsasagawa ng nationwide strike matapos na muling magtaas ng presyo ng produktong petrolyo ang Caltex Phils.
Ayon kay PISTON president Medardo Roda, ang kanilang gagawing boykot ay bilang paghahanda na rin sa pagsunod ng dalawa pang kumpanya ng langis sa pagdadagdag ng presyo ng gasolina.
Aniya, ilang araw lamang ang palilipasin ng Shell at Petron at tiyak na susunod na rin ang mga ito na magtataas ng presyo ng langis.
Sinabi ni Roda na buking na ng mga maliliit na tsuper ang kilos ng Caltex, Shell at Petron hinggil sa presyo ng petroleum products sa tuwing magkakaroon ng bantang giyera sa Gitnang Silangan.
Tinawag ni Roda na ganid ang tatlong higanteng kumpanya ng langis. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended