3 Cabinet members babanatan ng NPA
January 25, 2003 | 12:00am
Pinahigpitan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang seguridad ng tatlong miyembro ng kanyang Gabinete matapos na lumabas na kabilang ang mga ito sa target ng New Peoples Army urban guerilla hit squad na kasalukuyang kumikilos sa Metro Manila.
Base sa natanggap na report ng Malacañang, kabilang sa hit list sina Presidential Chief of Staff Rigoberto Tiglao, Press Secretary Nani Braganza at Defense Secretary Angelo Reyes.
Nagdagdag na ng tauhan na magpo-protekta sa tatlong nabanggit na miyembro ng Gabinete.
Ayon sa Pangulo, mayroon siyang kopya ng hit list at marapat na doblehin din ang pagsisikap na matamo ang kapayapaan at kaayusan ng bansa sa pamamagitan ng pagdurog sa mga guerilla units.
Bumuo kahapon si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng isang special task force na siyang mag-iimbestiga sa kaso ni dating NPA leader Romulo Kintanar at tutugis sa mga salarin.
Si Chief Supt. Romeo Maganto, tumatayo ring hepe ng Task Force Cervantes, ang itinalaga ng Pangulo bilang pinuno ng Task Force Kintanar kasama sina Chief Supt. Roberto Delfin at Sr. Supt. Roberto Mendoza.
Binigyan ng Pangulo ng kapangyarihan ang Task Force Kintanar upang gamitin ang lahat sa ilalim ng democratic arsenal para tuparin ang kautusan nito na i-neutralize ang grupo na responsable sa pamamaslang sa dating lider ng NPA.
Sinabi ni Central Police District Dir., Sr. Supt. Napoleon Castro na mga professional hired killers ang bumaril at pumatay kay Kintanar.
Dahil sa estilo ng pamamaril ay may matinding galit aniya sa biktima at tiniyak na patay ito bago iwanan. Lumalabas sa medico legal na may 10 tama ito ng kalibre. 45 pistol at super .38 na baril.
Nakatakdang imbitahan ng pulisya si film director Willie Milan upang magbigay-linaw sa insidente. May komunikasyon umano ang biktima at Milan hinggil sa pagsasapelikula ng buhay ng una.
Lumilitaw na magkakasama sa tatlong magkakadikit na mesa sina Kintanar, Milan, Ruel Mekani, isang alyas Budoy at dalawang iba pa sa Kamameshi restaurant nang maganap ang pamamaril.
Nilinaw ng pulisya na walang naganap na palitan ng putok at sa halip ay tinamaan din sina Mekani sa braso, Edmundo Ruiz, 49, coordinator ng Phil. National Oil Co. (PNOC) at Richard Beltran, 39, negosyante.
Sinabi ni Chief Insp. Rodolfo Jaraza, Hepe ng CPD-District Police Intelligence Unit na nawawala ang clutch bag ni Kintanar na may lamang baril at ang kanyang ID sa Bureau of Immigration (BI) bilang consultant.
Bago pinaslang si Kintanar, inamin nito na may mga death threats mula kay Ka Roger Rosal, spokesman ng NPA.
Pinag-aaralan din ng pulisya ang anggulong iniuugnay sa Nida Blanca case ang kasong pagpatay sa dating NPA leader matapos na lumabas sa ulat na kilala nito ang mastermind sa pagpatay sa aktres.
Itinanggi ni National Democratic Front founding Chairman Jose Maria Joma Sison na may kinalaman siya sa pagpatay kay Kintanar.
Sa isang fax statement sa Malacañang, sinabi nito na tatlong teorya ang lumulutang sa naganap na insidente.
Naging ahente si Kintanar ng paniniktik ng militar at pulisya sa ilalim ng pagiging consultant at security chief ng BI. Nasangkot umano ito sa ibat ibang operasyon at maaring mayroon siyang nasagasaang mga karibal at kaaway.
Bukod dito, maaari ring ginantihan si Kintanar ng kanyang dating kinaaniban na kilusan dahil sa mga naging kasalanan nito mula ng naging intelligence agent.
Iginiit ni Sison na posible ring may kinalaman ang Central Intelligence Agency ng Estados Unidos sa pagkamatay ni Kintanar.
Kinumpirma ni Directorate for Intelligence Robert Delfin ng PNP na dalawang hit squad ng NPA ang nagplano at trumabahong patayin si Kintanar. Pinamumunuan umano ito nina Philip Limjuco at Melchor Bartolome na nasa ilalim ng liderato ni Leo Velasco na siyang pumalit sa puwesto ni Kintanar sa kilusan. Kasalukuyang nag-ooperate ang dalawang hit squad na ito sa Metro Manila upang likidahin ang mga dating kasapi nila sa kilusan na tumiwalag.
Sinabi naman ni NBI Director Reynaldo Wycoco na magsasagawa ang NBI ng sariling imbestigasyon hinggil sa kaso ni Kintanar.
Nagtungo kahapon ang Pangulong Arroyo sa burol ni Kintanar sa Funeraria Paz sa Araneta Ave., QC upang ipakita ang kanyang pakikiramay sa pamilya Kintanar. (Ulat nina Ely Saludar, Grace Amargo)
Base sa natanggap na report ng Malacañang, kabilang sa hit list sina Presidential Chief of Staff Rigoberto Tiglao, Press Secretary Nani Braganza at Defense Secretary Angelo Reyes.
Nagdagdag na ng tauhan na magpo-protekta sa tatlong nabanggit na miyembro ng Gabinete.
Ayon sa Pangulo, mayroon siyang kopya ng hit list at marapat na doblehin din ang pagsisikap na matamo ang kapayapaan at kaayusan ng bansa sa pamamagitan ng pagdurog sa mga guerilla units.
Si Chief Supt. Romeo Maganto, tumatayo ring hepe ng Task Force Cervantes, ang itinalaga ng Pangulo bilang pinuno ng Task Force Kintanar kasama sina Chief Supt. Roberto Delfin at Sr. Supt. Roberto Mendoza.
Binigyan ng Pangulo ng kapangyarihan ang Task Force Kintanar upang gamitin ang lahat sa ilalim ng democratic arsenal para tuparin ang kautusan nito na i-neutralize ang grupo na responsable sa pamamaslang sa dating lider ng NPA.
Dahil sa estilo ng pamamaril ay may matinding galit aniya sa biktima at tiniyak na patay ito bago iwanan. Lumalabas sa medico legal na may 10 tama ito ng kalibre. 45 pistol at super .38 na baril.
Nakatakdang imbitahan ng pulisya si film director Willie Milan upang magbigay-linaw sa insidente. May komunikasyon umano ang biktima at Milan hinggil sa pagsasapelikula ng buhay ng una.
Lumilitaw na magkakasama sa tatlong magkakadikit na mesa sina Kintanar, Milan, Ruel Mekani, isang alyas Budoy at dalawang iba pa sa Kamameshi restaurant nang maganap ang pamamaril.
Nilinaw ng pulisya na walang naganap na palitan ng putok at sa halip ay tinamaan din sina Mekani sa braso, Edmundo Ruiz, 49, coordinator ng Phil. National Oil Co. (PNOC) at Richard Beltran, 39, negosyante.
Sinabi ni Chief Insp. Rodolfo Jaraza, Hepe ng CPD-District Police Intelligence Unit na nawawala ang clutch bag ni Kintanar na may lamang baril at ang kanyang ID sa Bureau of Immigration (BI) bilang consultant.
Bago pinaslang si Kintanar, inamin nito na may mga death threats mula kay Ka Roger Rosal, spokesman ng NPA.
Pinag-aaralan din ng pulisya ang anggulong iniuugnay sa Nida Blanca case ang kasong pagpatay sa dating NPA leader matapos na lumabas sa ulat na kilala nito ang mastermind sa pagpatay sa aktres.
Sa isang fax statement sa Malacañang, sinabi nito na tatlong teorya ang lumulutang sa naganap na insidente.
Naging ahente si Kintanar ng paniniktik ng militar at pulisya sa ilalim ng pagiging consultant at security chief ng BI. Nasangkot umano ito sa ibat ibang operasyon at maaring mayroon siyang nasagasaang mga karibal at kaaway.
Bukod dito, maaari ring ginantihan si Kintanar ng kanyang dating kinaaniban na kilusan dahil sa mga naging kasalanan nito mula ng naging intelligence agent.
Iginiit ni Sison na posible ring may kinalaman ang Central Intelligence Agency ng Estados Unidos sa pagkamatay ni Kintanar.
Sinabi naman ni NBI Director Reynaldo Wycoco na magsasagawa ang NBI ng sariling imbestigasyon hinggil sa kaso ni Kintanar.
Nagtungo kahapon ang Pangulong Arroyo sa burol ni Kintanar sa Funeraria Paz sa Araneta Ave., QC upang ipakita ang kanyang pakikiramay sa pamilya Kintanar. (Ulat nina Ely Saludar, Grace Amargo)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended