Isang resolusyon ang inihain kahapon ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos na humihiling sa House Com. on Women at Labor and Employment na imbestigahan ang TESDA hinggil sa illegal trafficking sa mga Pilipina kasabwat ang mga illegal recruiter.
Ang TESDA lamang aniya ang nag-iisang ahensya ng gobyerno na may kapangyarihang magbigay ng Artist Record Book kaya dapat sinisiguro nito na mga kuwalipikadong entertainers lamang na nasa tamang edad ang naipadadala sa ibang bansa ng mga lehitimong recruitment agencies. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)