TESDA 'igigisa' sa illegal trafficking
January 24, 2003 | 12:00am
Hindi lamang ang umanoy mga anomalyang nagaganap sa Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) sa pamumuno ni Dir.Gen. Dante Liban ang iimbestigahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kundi maging ang posibilidad na sangkot din ang nasabing ahensya sa women trafficking.
Isang resolusyon ang inihain kahapon ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos na humihiling sa House Com. on Women at Labor and Employment na imbestigahan ang TESDA hinggil sa illegal trafficking sa mga Pilipina kasabwat ang mga illegal recruiter.
Ang TESDA lamang aniya ang nag-iisang ahensya ng gobyerno na may kapangyarihang magbigay ng Artist Record Book kaya dapat sinisiguro nito na mga kuwalipikadong entertainers lamang na nasa tamang edad ang naipadadala sa ibang bansa ng mga lehitimong recruitment agencies. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am