Ang hakbang ay ginawa ni Lastimoso matapos na makipag-ugnayan si Senador Robert Jaworski sa kanya at ipinarating ang impormasyon na ilang tiwaling PETC ay hindi nagsusuri ng sasakyan kapalit ng mataas na bayad.
Dahil dito, agad na inatasan ni Lastimoso ang kanyang mga tauhan na i-monitor na mabuti ang operasyon ng mga PETC upang matiyak na hindi makapanloloko ng mga motorista.
Kasabay nito, nagbabala si Lastimoso na kanyang sisibakin sa tungkulin ang sinuman sa kanyang mga tauhan na mahuhuli at mapapatunayang nakikipagkutsaba sa mga tiwaling PETC.
Ang smoke emission test ay isang requirement upang mai-renew ang rehistro ng mga sasakyan sa buong bansa. (Ulat ni Angie dela Cruz)