^

Bansa

Permits ng mga tiwaling private emission testing centers pinakakansela

-
Iniutos kahapon ni Land Transportation Office (LTO) Chief Roberto Lastimoso sa mga tauhan nito ang pagkansela ng permits ng mga tiwaling private emmission testing centers (PETC) sa buong bansa.

Ang hakbang ay ginawa ni Lastimoso matapos na makipag-ugnayan si Senador Robert Jaworski sa kanya at ipinarating ang impormasyon na ilang tiwaling PETC ay hindi nagsusuri ng sasakyan kapalit ng mataas na bayad.

Dahil dito, agad na inatasan ni Lastimoso ang kanyang mga tauhan na i-monitor na mabuti ang operasyon ng mga PETC upang matiyak na hindi makapanloloko ng mga motorista.

Kasabay nito, nagbabala si Lastimoso na kanyang sisibakin sa tungkulin ang sinuman sa kanyang mga tauhan na mahuhuli at mapapatunayang nakikipagkutsaba sa mga tiwaling PETC.

Ang smoke emission test ay isang requirement upang mai-renew ang rehistro ng mga sasakyan sa buong bansa. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

CHIEF ROBERTO LASTIMOSO

CRUZ

DAHIL

INIUTOS

KASABAY

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LASTIMOSO

SENADOR ROBERT JAWORSKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with