^

Bansa

IMPSA deal niluto sa Arroyo administration

-
Lumalabas sa isinagawang pagsisiyasat ng Senado na ang IMPSA deal ay nilagdaan at naipatupad lamang ang kontrata sa administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at hindi sa panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Sinabi ni Senador John Osmeña, Chairman ng Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises, mismong sina Executive Sec. Alberto Romulo at Justice Usec. Merceditas Gutierrez na pawang nasa ilalim ng administrayon ni Pangulong Arroyo ang lumagda sa kontrata ng IMPSA para sa rehabilitasyon ng Caliraya-Botocan-Kalayaan (CBK) hydroelectric plant.

Inigiit pa ni Osmeña na minadali ni Justice Secretary Hernando Perez ang pagpirma sa DOJ legal opinion hinggil sa IMPSA deal habang hindi pa matatag ang Arroyo government na naging daan upang magpalabas ng pondo ang mga creditors ng IMPSA dahil sa direktang garantiya.

Dahil dito, nagkaroon umano ng lakas ng loob ang mga bangko na ilabas ang inuutang ng IMPSA dahil sa kasiguruhan na babayaran sila ng gobyerno sa sandaling mabigong makabayad ang IMPSA, CBK o Napocor.

Sinabi naman ni Senador Edgardo Angara na hindi mahalaga kung ang IMPSA contract ay pinagkalooban ng direct o indirect guarantee ng gobyerno kundi kung kaninong rehimen nagkaroon ng kaganapan ang kontrata at lumabas na naaprubahan ito sa panahon ni Pangulong Arroyo at hindi sa rehimen ni Estrada. (Ulat ni Rudy Andal)

ALBERTO ROMULO

EXECUTIVE SEC

GOVERNMENT CORPORATIONS AND PUBLIC ENTERPRISES

IMPSA

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

JUSTICE USEC

MERCEDITAS GUTIERREZ

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with