3 bagong Gabinete nanumpa

Pinangunahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang panunumpa sa tungkulin ng tatlong miyembro ng Gabinete.

Isinabay sa flag raising ceremony sa Malacañang ang oath-taking nina Press Secretary Hernani Braganza, Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan at Presidential Spokesman Ignacio Bunye.

Itinaon ang panunumpa sa tungkulin ng tatlong opisyal sa paggunita ng ikalawang taon sa puwesto ng Pangulo.

Kaugnay nito tiniyak ni Braganza na walang magaganap na censorship ng impormasyon at mananatili siyang transparent at accessible sa media.

Tiniyak din ni Braganza na magiging maayos ang kanilang teamwork at koordinasyon ni Bunye upang maiwasan ang karaniwan nang di- pagkakaunawaan ng Press Secretary at Presidential Spokesman. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments