Sa isang talumpati sa Sectoral Council Assembly sa Rizal Park sa bisperas ng pagdiriwang ng ika-2 taong anibersaryo ng panunumpa niya sa tungkulin, sinabi ng Pangulo na ang detalye ng hakbanging ito ay ihahayag niya sa isang "policy speech" sa Lunes.
Aniya, ang pondo ng coco levy ay nasa United Coconut Planters Bank at ang P700 milyong tubo nito sa bangko ay pakikinabangan ng malaki ng 1.6 milyong pamilyang sangkot sa industriya ng niyog sa bansa.
Magugunitang ipinabawi ng Pangulong Arroyo noong Enero 26,2001 ang dalawang executive order ng dating Pangulong Joseph Estrada na nag-uutos sa pagpapalabas ng kinita sa coco levy funds para sa organisasyong kumakatawan sa industriya ng niyog sa bansa. (Ulat ni Lilia Tolentino)