^

Bansa

P700 tubo ng coco levy fund ilalabas

-
Ipalalabas na ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang P700 milyong tubo ng P120 bilyong coco levy fund para sa kapakinabangan ng mga magsasaka ng niyog sa lalawigang may produksyong niyog.

Sa isang talumpati sa Sectoral Council Assembly sa Rizal Park sa bisperas ng pagdiriwang ng ika-2 taong anibersaryo ng panunumpa niya sa tungkulin, sinabi ng Pangulo na ang detalye ng hakbanging ito ay ihahayag niya sa isang "policy speech" sa Lunes.

Aniya, ang pondo ng coco levy ay nasa United Coconut Planters Bank at ang P700 milyong tubo nito sa bangko ay pakikinabangan ng malaki ng 1.6 milyong pamilyang sangkot sa industriya ng niyog sa bansa.

Magugunitang ipinabawi ng Pangulong Arroyo noong Enero 26,2001 ang dalawang executive order ng dating Pangulong Joseph Estrada na nag-uutos sa pagpapalabas ng kinita sa coco levy funds para sa organisasyong kumakatawan sa industriya ng niyog sa bansa. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ANIYA

ENERO

IPALALABAS

LILIA TOLENTINO

MAGUGUNITANG

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

RIZAL PARK

SECTORAL COUNCIL ASSEMBLY

UNITED COCONUT PLANTERS BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with