Referendum sa Chacha, isabay sa election
January 19, 2003 | 12:00am
Matapos suportahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang panukalang Charter change o Chacha, inihain kahapon ni Negros Oriental Rep. Herminio Teves ang House Concurrent Resolution No.17 na humihiling na isagawa ang isang referendum kaugnay sa pag-amyemda ng Konstitusyon kasabay ng pagsasagawa ng 2004 national election.
Dapat umanong alamin muna ng Malacañang at ng Kongreso ang tunay na loobin o sentimiyento ng taumbayan bago ituloy ang Chacha.
Taliwas sa gusto ng Pangulo, sinabi ni Teves na hindi dapat isabay ang paghahalal ng mga uupo sa Constitutional Convention (Concon) sa May 2004 election at mas mainam kung isasabay ang referendum kung saan maaaring ipahayag ng mamamayang Pilipino kung pabor ba silang magkaroon ng Chacha at kung dapat ding palitan ang porma ng gobyerno. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest