GMA pinuri ni Bush
January 18, 2003 | 12:00am
Umani ng papuri si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay United States President George Bush dahil sa desisyon ng una na hindi na kakandidato pa sa 2004 national elections.
Nakasaad sa liham na ipinadala ng US President sa Malacañang na may petsang Enero 14, pinuri nito ang Pangulo kasabay ng pangakong ipagpapatuloy ng kanyang pamahalaan ang pagkakaloob ng tulong at pagsasanay sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas para ganap na mapuksa ang Abu Sayyaf na idineklarang Foreign Terrorist Organization (FTO) at iba pang grupong terorista.
Sinabi ng US President na tiyak niyang hindi naging madali kay Pangulong Arroyo ang pagpapasyang huwag nang kumandidato sa 2004 election kaya labis niyang hinahangaan ito dahil sa inuna niya umano ang kapakanan ng Pilipinas.
Inimbita rin ni Bush ang Pangulo na dumalaw sa Washington sa kalagitnaan ng taong ito para mapag-usapan pa nila ng husto kung paano makakatulong ang US sa Pilipinas. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 5 hours ago
By Doris Franche-Borja | 5 hours ago
By Ludy Bermudo | 5 hours ago
Recommended