Sinabi ni Iloilo Rep. Augusto Boboy Syjuco na hindi lamang ang mga lansangan ang dapat linisin ni Fernando mula sa mga nagkalat na illegal vendors kundi maging sa loob ng DPWH na nagbebenta ng mga proyekto ng departamento sa mga maimpluwensyang kontraktor.
"It is high time the DPWH is purged of blood sucking parasites and breeding on our rapidly hemorrhaging public coffers," ani Syjuco.
Inihalimbawa nito ang talamak na katiwalian sa DPWH Visayas region kung saan isa umanong opisyal doon ang nangungumisyon ng 5 porsyento sa bawat proyekto ng gobyerno. Siya rin umano ang pumipili ng mga papaborang kontraktor upang masiguro na makakakuha siya ng komisyon. (Ulat ni Malou Rongalerios)