Ayon kay Sen. Osmeña, chairman ng Senate committee on government corporations and public enterprises, mahalaga ang magiging testimonya ni Rep. Jimenez kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon sa IMPSA contract.
Kung hindi umano payag si Sen. Drilon na gamitin ang pondo ng Senado sa pagbiyahe patungo sa Florida upang makausap ng komite si Jimenez ay nakahanda siyang gumastos ng sarili niyang pera.
Importante anya ang anumang ibibigay na statement ng kongresista sa komite tungkol sa nalalaman nito sa umanoy $14 milyong suhol para aprubahan ang IMPSA deal.
Naunang inihayag ni Drilon na hindi na dapat magtungo ang komite sa US para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon nito tungkol sa IMPSA upang makausap si Jimenez dahil hindi na naman ito tungkulin ng mga senador. (Ulat ni Rudy Andal)