^

Bansa

John O gagastusan ang biyahe sa US makausap lang si MJ

-
Nakahanda si Senator John Osmeña na gamitin ang kanyang personal na pera sa pagpunta nito sa Miami, Florida para makausap si Manila Rep. Mark Jimenez kung hindi sila papayagan ni Senate President Franklin Drilon na gamitin ang pananalapi ng Senado.

Ayon kay Sen. Osmeña, chairman ng Senate committee on government corporations and public enterprises, mahalaga ang magiging testimonya ni Rep. Jimenez kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon sa IMPSA contract.

Kung hindi umano payag si Sen. Drilon na gamitin ang pondo ng Senado sa pagbiyahe patungo sa Florida upang makausap ng komite si Jimenez ay nakahanda siyang gumastos ng sarili niyang pera.

Importante anya ang anumang ibibigay na statement ng kongresista sa komite tungkol sa nalalaman nito sa umano’y $14 milyong suhol para aprubahan ang IMPSA deal.

Naunang inihayag ni Drilon na hindi na dapat magtungo ang komite sa US para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon nito tungkol sa IMPSA upang makausap si Jimenez dahil hindi na naman ito tungkulin ng mga senador. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

DRILON

JIMENEZ

MANILA REP

MARK JIMENEZ

NAKAHANDA

NAUNANG

RUDY ANDAL

SENADO

SENATOR JOHN OSME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with