Ang pagpili ng Pangulo kay Pagdanganan ay naganap dalawang araw bago magsimula ang panunungkulan ni Braganza sa Malacañang.
Si Pagdanganan ang Presidential Adviser on Cooperatives bago napiling pinuno ng DAR na ang pangunahing tungkulin ay itaguyod ang kapakanan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng ipinatutupad na repormang agraryo.
Miyembro ito ng Lakas-NUCD-UMDP at una niyang ipinakita ang kakayahang mamuno nang mahalal siyang gobernador ng Bulacan.
Dalawang ulit siyang natalo sa kandidatura bilang senador sa halalan noong 1992 at 2001. (Ulat ni Lilia Tolentino)