^

Bansa

2 puwesto ni BF legal

-
Ipinagtanggol ng Malacañang ang sabay na paghawak ni Chairman Bayani Fernando ng dalawang posisyon na kapwa may Cabinet rank.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na may legal na basehan ang pag-akto ni Fernando bilang chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at acting secretary ng DPWH.

Wala aniya itong ipinagkaiba nang manungkulan bilang acting Press Secretary si Silvestre Bello kahit na hepe ito ng Presidential Management Staff.

Inihayag ni Bunye ang paglilinaw makaraang kuwestiyunin ng ilang mambabatas ang hakbang ng Pangulo dahil labag umano sa Konstitusyon ang pagbibigay kay Fernando ng dalawang tungkulin na sabay nitong gagampanan.

Sinabi ni Bunye na dumaan ito sa masusing pag-aaral ng legal team ng Pangulo sa pangunguna ni Chief Presidential Legal Counsel Avelino Cruz Jr. na inaasahang personal na magpapaliwanag sa usapin sa lalong madaling panahon.

Samantala mula sa pagiging dating kritiko, kinampihan kahapon ni Iloilo Rep. Augusto Syjuco si Fernando.

Sa isang panayam, sinabi ni Rep. Syjuco na dapat pagbigyan ng mga bumabatikos si Fernando na patunayan na kaya niyang hawakan ang dalawang posisyon.

Inamin ni Syjuco na malaki na ang paghanga niya sa bagong kalihim ng DPWH na dati niyang binabatikos dahil sa pagpapalayas nito sa mga vendor mula sa mga lansangan sa Metro Manila.

Gayunman, sinabi rin ng solon na kapag naramdaman niyang hindi na niya kaya ang responsibilidad dapat bitiwan ni Fernando ang isa dahil siya rin anya ang masisira sa publiko kung papalpak siya sa pagganap ng mga programa alinman sa DPWH o sa MMDA. (Ulat nina Ely Saludar/Malou Escudero)

AUGUSTO SYJUCO

BUNYE

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CHIEF PRESIDENTIAL LEGAL COUNSEL AVELINO CRUZ JR.

ELY SALUDAR

FERNANDO

ILOILO REP

MALOU ESCUDERO

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with