Itoy matapos na magkaisa kahapon sina Lito Osmeña, Presidente ng PROMDI at Rene de Villa, Chairman ng REPORMA sa pag-iindorso sa kandidatura ni dating Department of Education (Dep-Ed) Secretary Raul Roco sa darating na pambansang halalan.
Ang pagsuporta ng dalawang dating kandidatong Pangulo noong 1998 presidential elections kay Roco ay matapos ihayag noong Rizals Day ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na hindi na siya tatakbo sa eleksyon.
Ayon kina de Villa at Osmeña, ipinagkakaloob nila ang kanilang basbas para sa kandidatura ni Roco dahilan simula pa umano noong 1998 natonal elections sa bansa ay nagkatulungan na ang PROMDI, REPORMA at AKSIYON DEMOKRATIKO sa pagsusulong ng isang may prinsipyong pamamalakad sa gobyerno, pagpapaunlad sa rehiyon at mga probinsiya, people empowerment, pagpapairal sa batas at pantay na karapatan para sa lahat.
Bukod dito, taglay umano ni Roco ang mga katangian para maging isang mahusay na lider ng bansa.
Kaugnay nito, ikinatuwa naman ng kampo ni Roco ang pag-ani ng suporta ng kanilang pambatong presidential bet na bagaman inulan ng intriga may ilang buwa na ang nakalilipas dahilan sa pangunguna sa presidential survey. (Ulat ni Joy Cantos)