Tinanggap na ni Braganza ang posisyon, gayunman wala pang inihahayag na makakapalit nito sa Department of Agrarian Reform (DAR).
Ang rigodon sa Gabinete partikular sa Office of the Press Secretary ay kasunod ng pagkakahirang kay dating Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao bilang Chief of Staff ng Pangulo.
Sinabi naman ni Bunye na wala siyang sama ng loob at hinanakit sa Pangulo kung inalis man sa kanya ang puwestong Press Secretary.
Sa isang press briefing kahapon, sinabi ni Bunye na nirerespeto niya ang naging desisyon ng Presidente at pinabulaanan niya ang mga espekulasyong nagkaroon ng tangkang pigilan ang pagtatalaga kay Braganza bilang Press Secretary sa pamamagitan ng pagpapalutang ng pangalan ni Presidential Security Adviser Roilo Golez para italaga sa puwesto.
Si Braganza, 38, ipinanganak sa Quezon City ay nasa ikalawang termino bilang representative ng 1st District ng Pangasinan ng ma-appoint na DAR head noong Pebrero 2001. Nagsimula ang kanyang political career noong 1988 ng mahalal itong municipal councilor sa Alaminos, Pangasinan. Nagtapos siya ng AB History-Political Science degree sa De La Salle University noong 1984. (Ulat ni Lilia Tolentino)