^

Bansa

Braganza bagong Press secretary

-
Gaya nang inaasahan, si Agrarian Reform Secretary Hernani Braganza na ang manunungkulang bagong Press Secretary simula sa Enero 15 kapalit ni Secretary Ignacio Bunye na itinalaga naman ni Pangulong Arroyo bilang Presidential Spokesman.

Tinanggap na ni Braganza ang posisyon, gayunman wala pang inihahayag na makakapalit nito sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Ang rigodon sa Gabinete partikular sa Office of the Press Secretary ay kasunod ng pagkakahirang kay dating Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao bilang Chief of Staff ng Pangulo.

Sinabi naman ni Bunye na wala siyang sama ng loob at hinanakit sa Pangulo kung inalis man sa kanya ang puwestong Press Secretary.

Sa isang press briefing kahapon, sinabi ni Bunye na nirerespeto niya ang naging desisyon ng Presidente at pinabulaanan niya ang mga espekulasyong nagkaroon ng tangkang pigilan ang pagtatalaga kay Braganza bilang Press Secretary sa pamamagitan ng pagpapalutang ng pangalan ni Presidential Security Adviser Roilo Golez para italaga sa puwesto.

Si Braganza, 38, ipinanganak sa Quezon City ay nasa ikalawang termino bilang representative ng 1st District ng Pangasinan ng ma-appoint na DAR head noong Pebrero 2001. Nagsimula ang kanyang political career noong 1988 ng mahalal itong municipal councilor sa Alaminos, Pangasinan. Nagtapos siya ng AB History-Political Science degree sa De La Salle University noong 1984. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AGRARIAN REFORM SECRETARY HERNANI BRAGANZA

BRAGANZA

BUNYE

CHIEF OF STAFF

DE LA SALLE UNIVERSITY

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

HISTORY-POLITICAL SCIENCE

LILIA TOLENTINO

OFFICE OF THE PRESS SECRETARY

PRESS SECRETARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with