12 Pinoy sugatan sa bombing sa Israel
January 7, 2003 | 12:00am
Dalawamput dalawa (22) katao ang namatay at 120 ang sugatan kabilang ang 12 Pinoy, apat dito ay kritikal, sa magkasunod na suicide bombings na inilunsad ng dalawang magkaibang grupo sa Tel Aviv, Israel kamakalawa ng gabi.
Sa pahayag ni Director Nikon Fameronag, ng DOLE, halos magkasabay ang dalawang suicide bombing na naganap sa isang bus station at ang ikalawa sa shopping mall.
Nakisalamuha umano ang dalawang Palestinians sa mataong lugar ng bus terminal at segundo lamang ang pagitan ng pasabugin ng isa sa mga bombers ang kanilang suot na bomba na sinundan din ng pagsabog sa katabing shopping mall.
Karamihan umano sa mga biktima ay foreign workers dahil ang binombang mga lugar ay paboritong tambayan nila.
Agad ding pinauwi ang mga sugatang Pinoy workers na nagtamo lang ng minor injuries, habang ang dalawang Pinoy at dalawang Pinay na hindi agad nakuha ang mga pangalan ay kasalukuyang nasa magkakahiwalay na ospital.
Agad inutos ni Foreign Affairs Sec. Blas Ople na magbigay ng assistance sa lahat ng pangangailangan ng mga Pinoy sa Israel partikular ang apat na nasugatan. (Ulat nina Jhay Quejada/Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended