Shabu lab sa QC ni-raid
January 4, 2003 | 12:00am
Sinalakay kahapon ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang laboratoryo ng shabu sa Quezon City na umanoy pag-aari rin ng mga Chinese at Hong Kong nationals na nagmamay-ari ng dalawa pang shabu factory na naunang ni-raid sa Navotas at Valenzuela kamakailan.
Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni QC Executive Judge Monina Zeñarosa ng branch 76, pinasok dakong alas-10 ng umaga ng mga tauhan ng NBI, PEA at Central Police District ang isang townhouse sa 6-F Sobrepena st., Brgy. Damayang Lagi, QC. Ito ang ika-apat na lugar sa Metro Manila na ginagamit na shabu laboratory.
Ayon sa mga awtoridad, umaabot sa 1,000 kilo ng shabu ang posibleng magawa sa nakumpiskang sangkap na kinabibilangan ng 10 kilo ng powdered substance na sodium hydrochloride at liquid shabu.
Nakumpiska din ang isang kahon na naglalaman ng mga tapos nang produkto ng shabu, tatlong plastic bundles na pinaglalagyan ng pera na may nakalagay na P130,000, electric burners, gas stoves, rice cooker at liquified chemicals na nasa 1 galon ng mineral water.
Ayon kay NBI Director Reynaldo Wycoco, dapat ay ginawa nila ang pagsalakay bago pa man mag-Pasko subalit dahil inabutan ng holiday kaya kahapon lang nakapag-isyu ng search warrant ang QC Regional Trial Court laban sa nagmamay-ari ng compound na sina Randy Chua alyas Aaron Wang de Guzman, Wang Ya Zi, Deng Shao Liu at Lee Yuk Sao na pawang nagmamay-ari din ng mga warehouse ng shabu na unang sinalakay sa Navotas at Valenzuela nitong ikalawang linggo ng Disyembre 2002 kung saan nakumpiska dito ang mahigit P2 bilyong kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu.
Iniwan din ng mga suspek ang mga sasakyang L-300 van at isang Honda CRV (XBC-288).
Sinabi pa ni Wycoco, katulad ng nauna nilang pagsalakay sa Valenzuela City at Navotas ay hindi rin naabutan ang mga may-ari na sina Wang Ya Zi, Deng Shao Liu at Lee Yuk Sao na umanoy napag-alaman na pawang nakaalis na ng bansa nitong Disyembre 9 at 10, 2002.
Tiniyak pa ni Wycoco na bukod sa tatlong pagsalakay ay mayroon pa umanong mga kasunod na raid silang gagawin sa Metro Manila. (Ulat nina Doris Franche at Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest