Australian Embassy nagbukas na rin
January 3, 2003 | 12:00am
Matapos ang limang linggong pagsasara, nagbukas na rin kahapon ang Australian Embassy kasunod nang muling pagpapatuloy ng operasyon ng Canadian Embassy at European Union office sa Makati City.
Kahapon ay nakipagkita kay Foreign Affairs Secretary Blas Ople sina Ambassador Robert Collete ng Canada, Ambassador Ruth Pearce ng Australia at Ambassador Johannes de Kok ng European Commission upang impormahan ang kalihim ng kanilang pagbubukas.
Sa naturang miting, sinabi ng tatlong ambassadors kay Ople na bumalik na sa "full operations" ang kanilang mga tanggapan. Una nang nagbukas ang European Union noong Disyembre 20 at ang Canadian Embassy noong Dis. 30.
Muling idiniin ng tatlong ambassador na kapani-paniwala ang banta sa kanila kaya sila napilitang magsara, subalit kuntento na sila ngayon sa ibinibigay na seguridad ng pamahalaan matapos na magdagdag ng mga tauhan ng PNP at Phil. Marines sa paligid ng kani-kanilang tanggapan. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am