Ayon kay Estrada, inaasahan niyang wala nang magiging balakid sa pagtestigo niya sa komiteng pinamumunuan ni Senador John Osmeña, pagkaraang maunsiyami ang nauna niyang nakatakdang pagdalo sa imbestigasyon.
Mayroon na anyang kaukulang notisya sa Sandiganbayan at gayundin sa Philippine National Police kaya sa tantiya niya, segurado na ang pagharap niya sa Senado.
Sinabi ni Estrada na ibibigay niya sa Senado ang detalye ng kontratang ito na sinimulan noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos. (Ulat ni Lilia Tolentino)