Sinabi ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, maaaring hindi na matuloy ang nakatakdang pag-aanunsiyo ng Presidente sa Lunes, para mabigyan pa ng pagkakataon ang mga opisyal ng Gabinete na marepaso ang kasalukuyang mga programa at proyekto at pagkatapos ay pagbubutihin ang kasalukuyang mga reporma.
Sinabi ni Tiglao na may isasagawang workshop ang mga miyembro ng Gabinete ngayong araw at sa Biyernes ay magkakaroon ng pulong ang lahat na kagawad ng Gabinete.
Hinggil sa punang nag-urong-sulong na naman ang Presidente sa pagapatupad ng pagbabalasa, sinabi ni Tiglao na walang katotohanan ito dahil "parang nag-iba dahil sa desisyon ng Presidente na hindi na tumakbo sa eleksyon sa 2004.
Sinabi pa ni Tiglao na sa loob ng isang buwan makakakita ng serye ng mahahalagang aksiyon para ipamalas na seryoso ang administrasyon Arroyo sa pagpapatupad ng reporma.
Tanging si Justice Secretay on leave Hernando Perez, ang hindi makakadadalo ngayon sa workshop. (Ulat ni Lilia Tolentino)