^

Bansa

Announcement sa pagbalasa sa Gabinet 'di tuloy

-
Muling ibibitin ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang ipatutupad niyang pagbabalasa ng Gabinete na inaasahang ihahayag niya sa Enero 6.

Sinabi ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, maaaring hindi na matuloy ang nakatakdang pag-aanunsiyo ng Presidente sa Lunes, para mabigyan pa ng pagkakataon ang mga opisyal ng Gabinete na marepaso ang kasalukuyang mga programa at proyekto at pagkatapos ay pagbubutihin ang kasalukuyang mga reporma.

Sinabi ni Tiglao na may isasagawang workshop ang mga miyembro ng Gabinete ngayong araw at sa Biyernes ay magkakaroon ng pulong ang lahat na kagawad ng Gabinete.

Hinggil sa punang nag-urong-sulong na naman ang Presidente sa pagapatupad ng pagbabalasa, sinabi ni Tiglao na walang katotohanan ito dahil "parang nag-iba dahil sa desisyon ng Presidente na hindi na tumakbo sa eleksyon sa 2004.

Sinabi pa ni Tiglao na sa loob ng isang buwan makakakita ng serye ng mahahalagang aksiyon para ipamalas na seryoso ang administrasyon Arroyo sa pagpapatupad ng reporma.

Tanging si Justice Secretay on leave Hernando Perez, ang hindi makakadadalo ngayon sa workshop. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BIYERNES

ENERO

GABINETE

HERNANDO PEREZ

JUSTICE SECRETAY

LILIA TOLENTINO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

SINABI

TIGLAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with