^

Bansa

GMA wala pang manok sa 2004

-
Wala pang napipisil si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kandidatong mamanukin ng pinamumunuan niyang partido sa 2004 Presidential Election pagkaraang magdesisyon siyang huwag nang lumahok sa halalan.

Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, hindi naman kuwestiyon kung sino ang mamanukin ng Presidente dahil matagal pa ang eleksiyon. Kaya nga anya nag-anunsiyo siyang huwag nang kumandidato sa 2004 ay para mawala ang pamumulitika sa panahong nalalabi pa ng kanyang panunungkulan upang isulong ang kanyang mga programang pangkaunlaran.

Sa Enero 8 magpapatawag ng pulong ang Lakas executive committee para talakayin ang naging desisyon ng Presidente na siyang chairman ng partido.

Bagaman nagpasya na ang Pangulo na hindi na kakandidato sa 2004, sinabi ni Tiglao na nananatili itong isang "makapangyarihang personalidad" at ang mga pananaw niya ay higit na magiging makabuluhan.

Ang sinasabi anya ng Presidente ay nais niyang tugunin ng mga lider pulitiko ang hamon niyang mga pagbabago.

Hinggil sa planong kukunin ng Lakas si dating Education Secretary Raul Roco para siyang ikandidatong Presidente sa 2004, sinabi ni Tiglao na ang pasya ay gagawin ng Lakas sa tamang panahon.

Bukod dito, sinabi ni Tiglao na hindi naman miyembro ng Lakas si Roco bagaman ang partido nito ay kaalyansa ng Lakas. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

BAGAMAN

EDUCATION SECRETARY RAUL ROCO

LAKAS

LILIA TOLENTINO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENTIAL ELECTION

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

SA ENERO

TIGLAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with