Itinalaga ni PNP chief, Director General Hermogenes Ebdane si Maganto base umano sa kahilingan ng mga kamag-anak ng pinaslang na si Young Officers Union (YOU) spokesman Army Capt. Baron Cervantes na pinaslang noong Disyembre 31, 2001.
Kinuha si Maganto sa floating status upang pamunuan ang paghahanap kay Cardeno na siyang itinuturong mastermind sa pagkamatay ni Cervantes.
Direkta itong magre-report ng takbo ng kanilang operasyon kay National Secuirty Adviser Roilo Golez.
Ang naturang rekomendasyon ay dahil sa magandang track record ni Maganto nang ito ang makadakip sa dating mailap na puganteng si Rolito Go ng makatakas ito sa Rizal Provincial Jail. Si Go ang itinuturong pumatay kay La Salle student Eldon Maguan sa simpleng gusot sa trapiko.
Una nang nagpalabas ang DILG ng P500,000 sa sinumang makapagtuturo sa pinagtataguan ni Cardeno na magreresulta sa pagkakadakip nito. (Ulat ni Danilo Garcia)