Desisyon nirespeto ng Senado
December 31, 2002 | 12:00am
Umani ng respeto at pagkagulat mula sa hanay ng mga administration at opposition senators ang naging pahayag ni Pangulong Arroyo na hindi na ito interesadong tumakbo sa 2004 elections.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, ang ginawa ng Pangulo ay isang hakbang ng tunay na statemanship at isang sakripisyo upang maging daan ng tunay na pagkakaisa.
Idinagdag pa ni Sen. Drilon, magkakaroon na ng pagkakataon si Pangulong Arroyo upang tutukan ang pagsasagawa ng programa para sa kagalingan ng ekonomiya ng walang anumang pagdududa na ginagawa niya ito dahil sa ambisyong re-election sa 2004.
Sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson, sa kauna-unahang pagkakataon ay umani ng kanyang respeto si Pangulong Arroyo dahil sa ginawa nitong desisyon.
Ipinaliwanag naman ni Sen. Tessie Aquino-Oreta na hihintayin na lamang niya kung sinsero si GMA sa naging pahayag nito dahil ganito rin ang sinabi ng kanyang yumaong ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal na hindi na tatakbo ng re-election subalit hindi naman tinupad.
Kung matatandaan ng publiko, si dating Pangulong Marcos ang dapat na kumandidatong presidente sa ilalim ng partido ng Liberal Party dahil siya ang senate president noon pero pinagbigyan nito si Macapagal dahil sa pangakong isang beses lamang tatakbo bilang pangulo ng bansa.
Subalit hindi tinupad ni Macapagal ang kanyang pangako dahil noong 1961 ay muli itong kumandidato sa presidential elections kaya kumalas ng partido si Marcos at tumakbong presidente kung saan siya ang nahalal na pangulo ng bansa.
Sinabi naman ni Sen. Rodolfo Biazon, dahil sa isang impulsive woman si GMA ay baka magbago pa ng desisyon ito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended