Romulo di ko sinibak GMA
December 29, 2002 | 12:00am
Pinabulaanan ni Pangulong Arroyo ang nalathalang balita na kabilang si Executive Secretary Alberto Romulo sa mga nakatakda niyang palitang miyembro ng Gabinete.
Tsismis lang umano at wala rin anyang pagbalasang gagawin sa Gabinete dahil ito naman ay ginagawa kung hinihingi ng pagkakataon.
Itinanggi rin ng Pangulo na nakatakda niyang palitan sa puwesto sina Press Secretary Ignacio Bunye at Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao.
Ito ay kasunod din ng balitang kinuha ng Pangulo bilang media consultant si dating Press Secretary Rodolfo Reyes para tumulong sa pagpapabango ng imahe ng Presidente bilang paghahanda sa halalan sa 2004. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest