^

Bansa

NPA naligalig sa survey, gusto na ng peace

-
Naligalig umano ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa malamig na pagtanggap sa mga ito ng sambayanang Pilipino base sa resulta ng Pulse Asia survey kamakailan bunsod upang biglang pumihit ng desisyon ang mga ito at ngayo’y nagnanais nang makipag-negosasyon sa gobyerno para sa panunumbalik muli ng naudlot na peace talk.

Ito ang reaksiyon kahapon ni AFP spokesman ret. Brig. Gen. Eduardo Purificacion sa pahayag ni CPP-NPA spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal ng umano’y kahandaan na muli ng grupo nitong umupo sa negotiating table para sa pag-usad ng negosasyong pangkapayapaan.

Sinabi ni Purificacion na posibleng naalarma ang komunistang kilusan sa resulta ng survey kung saan nakasaad na 62 porsiyento ng mga Pilipino ang wala nang tiwala o paniniwala sa NPA habang 68% naman sa mga ito ang nagnanais nang matuloy ang usapang pangkapayapaan.

Base pa sa resulta ng survey, malaking porsiyento ang nabawas sa mga naniniwala sa adhikaing ipinaglalaban ng rebeldeng grupo bunga na rin ng pagkakasangkot ng mga ito sa serye ng paghahasik ng terorismo sa iba’t ibang panggugulo sa peace and order.

Naniniwala naman ang militar na taktika lamang ito ng NPA sa kadesperaduhang mabago ang pananaw ng taumbayan sa pamamagitan ng pagkukunwaring bukas ang maka-kaliwang hanay sa peace negotiations pero sa katotohanan ay ayaw pa rin ng mga itong paawat sa panggugulo sa peace and order. (Ulat ni Joy Cantos)

EDUARDO PURIFICACION

GREGORIO

JOY CANTOS

KA ROGER

NALIGALIG

NEW PEOPLE

PILIPINO

PULSE ASIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with