1,054 WW2 veterans mabibigyan na ng pensyon
December 29, 2002 | 12:00am
Matapos ang pagkaantala, inihayag kahapon ni Defense Secretary Angelo Reyes na inaprubahan na niya ang agarang pagkakaloob ng monthly pension at remittances para sa 1,054 bayani noong panahon ng pananakop ng mga Hapones sa bansa sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa memorandum order ni Secretary Reyes sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), iniutos ng kalihim ang agarang pagbabayad ng monthly pension sa mga newly-qualified veterans na dadagdag sa may 260,000 tumatanggap na ng regular benefits sa pamahalaan.
Bukod sa P5,000 buwanang pension, pagkakalooban din ang newly-inducted PVAO veterans ng burial benefits, educational benefits para sa mga dependents at monthly pension sa mga surviving spouse at dependents ng mga namatay na beterano ng Digmaan.
Nabatid na naantala ang pension benefits ng nasabing War veterans makaraang buwagin ang Military Service Board noong January 2001. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am