Sinabi ni PNP Human Resource Development director, Chief Supt. Avelino Razon, bukod sa pagsasanay, layunin ding mapaigting ang bilateral cooperation ng dalawang bansa.
Ituturo ng mga Hapones na pulis ang kanilang makabagong sistema sa pagsugpo sa mga krimen at pagtukoy sa mga terorista. Mapapakinabangan din ang mga high-tech na kagamitan na dadalhin ng mga ito sa pagsasanay.
Nagsagawa na ng pagpupulong at naaprubahan na rin ang naturang pagsasanay ng pamahalaan at Japanese ambassador kamakalawa.
Tatalakayin din sa training ang boarder security, reaction force, investigation at interrogation sa pagsugpo sa kriminalidad.
Makakatulong umano nang malaki ang kaibahan ng peace and order ng Japan sa bansa na puwedeng tularan para makatulong sa paglago ng ekonomiya. (Ulat ni Danilo Garcia)