^

Bansa

Mga rape victim wala ng pondo

-
Hindi na makakahingi ng pinansiyal na tulong sa Department of Justice (DOJ) ang mga rape victim dahil sa ginawang pagbasura ng Department of Budget and Management sa P130 milyong pondo ng ahensiya na ilalaan sa pagtulong sa mga nagiging biktima ng panggagahasa.

Sa isinagawang pagdinig ng House committee on appropriations bago mag-recess ang Kongreso, inamin ni Justice Secretary Hernando Perez na dahil sa pagkawala ng pondo ay mapaparalisa ang mga programa ng rape victim at early childhood development.

Ang budget ng DOJ ay binawasan ng 27 porsiyento, mula sa P6.66 bilyon ito ay naging P4.79 bilyon at isa sa naapektuhan ay ang budget para sa mga rape victim.

Kabilang sa mga masasakripisyong programa ng DOJ ay ang pagtatatag ng rape crisis center sa iba’t ibang panig ng bansa at ang pagtatayo ng national system for early childhood.

Kasama sa mga pagkakagastusan ng DOJ sa ilalim ng P804.2 bilyon General Appropriations Act 2003 ay ang P400 milyon para sa pagtatayo ng Manila Hall of Justice, P84 milyon para sa Witness Protection Program at P20 milyon para sa Victim’s Compensation Program. (Ulat ni Malou Escudero)

COMPENSATION PROGRAM

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DEPARTMENT OF JUSTICE

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

KABILANG

KASAMA

MALOU ESCUDERO

MANILA HALL OF JUSTICE

WITNESS PROTECTION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with