^

Bansa

Paglayas ni MJ tuloy na sa Huwebes

-
Tuloy ang pag-alis sa bansa ni Manila Rep. Mark Jimenez sa Disyembre 26 kasama ang asawang si Carol, tatlong anak na sina Marcel, Michael Angelo at Yannick.

Ayon sa isang source, sasakay ng PAL flight si Jimenez at kanyang pamilya sa gabi ng Disyembre 26.

Pinabulaanan ni Jimenez ang mga naglabasang balita noong Linggo na nais pa niyang manatili sa bansa hanggang Enero 2, 2003.

Ang sinabi umano niya sa mga mamamahayag na nagtungo sa kanyang tahanan noong Sabado ay "wish" lamang niya na sa Enero 2 pa siya aalis subalit wala siyang balak suwayin ang utos ng korte.

Sinabi pa ni Jimenez na nakaimpake na lahat ang mga dadalhin nila sa Amerika at walang dahilan upang hindi matuloy ang pag-alis niya sa Huwebes.

Muli nitong ipinahayag ang sentimiyento niya sa administrasyong Arroyo na masyado umanong minamadali ang pagpapalayas sa kanya.

Sinabi naman ni Speaker Jose de Venecia na ituloy man o hindi ni Jimenez ang pag-alis ay wala na ito sa pananagutan ng Kongreso.

Hanggang Disyembre 26 lamang umano ang ibinigay nilang seguridad kay Jimenez bagaman at mananatili pa rin itong kinatawan ng 6th district ng Maynila kahit wala na ito sa Pilipinas. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

DISYEMBRE

ENERO

HANGGANG DISYEMBRE

JIMENEZ

MALOU ESCUDERO

MANILA REP

MARK JIMENEZ

MICHAEL ANGELO

SINABI

SPEAKER JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with