Jailguards walang Christmas vacation
December 21, 2002 | 12:00am
Walang Christmas at New Years vacation ang mga jailguards!
Ito naman ang binigyang-diin ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) director Sr. Supt. Antonio Cruz bilang bahagi ng kanilang ipinatutupad na security measure sa lahat ng mga city, district at municipal jail sa bansa.
Ayon kay Cruz, kailangang 100 porsiyento ang attendance ng mga jail personnel sa Pasko at Bagong Taon dahil ang mga araw na ito ang kadalasang dinadagsa ng mga dalaw.
Partikular na tinukoy ni Cruz ang mga bantay na nakatalaga sa gabi o yung mga night shift personel at jailguards.
Tinukoy din ni Cruz ang pagkakaroon ng mga Christmas party at programs na aniyay nangangailangan ng dagdag na seguridad.
Sinabi ni Cruz na ang mga jail warden ang mananagot sa kanya sakaling magkaroon ng gulo o pagtakas ng mga preso sa panahon ng kapaskuhan.
Ang mga party ay kailangang isagawa mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon o oras ng bisita.
Pinasisiyasat din ni Cruz sa kanyang mga warden at assistant regional director ang mga jail facility upang maiwasan ang insidente ng jailbreak. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended