Sa ipinatawag na pulong sa Club Filipino Greenhills, sinabi ni Perez na walang basehan ang reklamo sa kanya kaya sasampahan niya ng kaso si Rama.
Iginiit ni Perez na nakasaad sa Executive Order na ang PAGC ay isang collegial body kaya nangangahulugan na ang pagsasampa ng kaso sa kanya ay lumilitaw na aksiyon lamang ni Rama at hindi ng buong PAGC.
Nilinaw pa ng nakabakasyong kalihim na nakatala din sa Section 13 ng EO 12 na hindi maaring ihayag ang anumang impormasyon habang iniimbestigahan ang isang public official.
Ngunit sa kaso umano ni Perez ay nauna pa nitong nalaman sa media na sinampahan siya ng kaso ng PAGC bago makakuha ng kopya ng complaint.
Matatandaan na sinampahan ni Rama ng kasong obstruction of justice si Perez dahil sa umanoy ayaw ipalabas nito ang lahat ng travel documents ng mga government officials.
Babalik si Perez sa kanyang puwesto sa Disyembre 27 at kung hindi ito papasok sa nasabing araw ay malamang ideklara itong AWOL o absent without official leave. (Ulat ni Gemma Amargo)