Canada, Australian embassies magbubukas na!
December 21, 2002 | 12:00am
Matapos sabay-sabay na magsara, magbubukas na ang Canadian at Australian Embassies at European Union sa Makati City.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Blas Ople, pormal siyang inimpormahan ni Ambassador Johannes de Kok ng European Commission na ang kanilang embahada sa dati nitong tanggapan sa Makati city ay nagbukas na, samantala ang Canadian ay sa Disyembre 30 habang ang Australian Embassy ay sa Enero 2, 2003.
Sinabi ni Ambassador Ronert Collete ng Canada na ang kanilang embahada ay nakatakda ring amyendahan ang kanilang travel advisory sa kanilang mamamayan sa pagbisita sa Pilipinas at ang pagbibigay ng pahintulot sa ibang lugar sa bansa na sinasabing "high risk."
Idinagdag ni Ople na nagpahayag na rin ang pamahalaang Australia na kanilang irerebisa ang kanilang ipinalabas na travel advisory matapos ang kahilingan ng pamahalaan.
Ang desisyong muling pagbubukas ng naturang mga embahada ay bunsod ng paniniyak ng pamahalaan sa seguridad ng mga ito sa pamamagitan ng PNP at local government units. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest