^

Bansa

GMA mas tiwala kay Villarama kaysa kay Mike

-
Ipinagmalaki kahapon ni Bulacan Rep. Willie Villarama na mas pinagkatiwalaan siya ni Pangulong Arroyo kaysa sa asawa nitong si First Gentleman Atty. Mike Arroyo sa loob ng halos 12 taon.

Ayon kay Villarama, naramdaman niya ang pagtitiwala ni GMA higit sa pagtitiwalang ibinibigay nito sa kanyang asawang si Atty. Arroyo noong nagsisilbi itong chief of staff ng Pangulo na noo’y vice-president pa lamang ng bansa.

Subalit sa kabila umano ng ipinakitang pagtitiwala sa kanya ni GMA ay hindi totoong may namagitan sa kanilang dalawa nang higit pa sa "employee-employer relationship."

Inamin ni Villarama na ilang beses na rin silang natsismis ni Pangulong Arroyo subalit wala umano itong katotohanan.

"Siguro mahigit na isang libong beses na akong tinanong kung naging girlfriend ko si Gloria, tinatawanan ko na lang," ani Villarama.

Magugunitang sinabi kamakalawa ni Villarama na napilitan lamang siyang magbitiw bilang chief of staff ni GMA matapos matsismis na nagpapatong siya sa isang kontrata ng Office of the Vice President.

Ani Villarama, noong Hulyo 3, 1999 tinawagan siya ng Pangulo para tanungin ang tungkol sa umano’y nagpatong siya ng 30% komisyon sa mga equipment na bibilhin ng OVP.

Labis umanong nasaktan si Villarama sa nasabing bintang dahil lumalabas anya na pinagdudahan siya nito dahilan para siya magbitiw.

Hininala ni Villarama na siniraan siya kay Arroyo ng mga taong may inggit. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

ANI VILLARAMA

BULACAN REP

FIRST GENTLEMAN ATTY

MALOU ESCUDERO

MIKE ARROYO

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SIYA

VILLARAMA

WILLIE VILLARAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with