MJ sa Disyembre 26 sisibat
December 21, 2002 | 12:00am
Natupad ang kahilingan ni Manila 6th District Rep. Mark Jimenez na mag-Pasko sa Pilipinas matapos ipagpaliban ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-aresto dito.
Nagkasundo kamakalawa ng gabi sa isang pulong ang Department of Justice, Judge Guillermo Purganan ng Manila RTC Branch 42 at abogado ni Jimenez na si Atty. Mario Bautista na aalis ang kongresista o sa Disyembre 26.
Nirequest ni Jimenez na gusto niyang mag-Pasko sa bansa at para maisama sa Amerika ang asawa na nilalakad pa ngayon ang visa.
Gayunman ayaw kumpirmahin ang tunay na araw ng pag-alis ni Jimenez.
Pero para matiyak ang seguridad nito, ilalagay siya sa pangangalaga ni House Speaker Jose de Venecia na agad namang nagpadala ng 5 miyembro ng Special Action Force na magbabantay sa kongresista.
Batay sa utos ng korte, eeskortan ng dalawang ahente ng NBI si Jimenez.
Ipinaliwanag ni NBI spokesman Atty. Ric Diaz na 24-oras na babantayan ito ng mga ahente ng NBI sa bahay nito hanggang sumapit ang araw ng kanyang paglisan.
Pero sinabi ni Diaz na sa oras na sumakay na at nagsara na ang pinto ng eroplano ay wala ng hurisdiksyon sa kanya ang NBI. Sakaling mabalewala ang lahat nang ito ay magpapatuloy ang pag-isyu ng arrest warrant laban sa kanya.
Una nang nabigyan ng 48 oras na ultimatum si Jimenez na dapat na kusang loob na iprisinta ang kanyang sarili sa tanggapan ng NBI o arestuhin ito sa kanyang bahay sa oras na lumabas ang arrest order mula sa korte. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest