Perez kinasuhan ng PAGC
December 20, 2002 | 12:00am
Kinasuhan ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) si Justice Secretary Hernando Perez sa dalawang probisyon ng Konstitusyon at tatlong iba pang batas. At ang resulta ng imbestigasyong ito ng PAGC ay isinumite na sa Malacañang.
Kaugnay ito sa ipinalabas ni Perez na memorandum sa Bureau of Immigration (BI) na may petsang Nobyembre 16, 2002 na nag-uutos kay Immigration Commissioner Andrea Domingo na huwag ibunyag ang travel records ng Presidente, Bise Presidente, Senate President, House Speaker, Cabinet members at Congressmen.
Pormal nang kinasuhan ng PAGC si Perez ng misconduct at conduct prejudicial para sa interes ng paglilingkod.
Ayon sa PAGC, nilabag ni Perez ang Section 28, Article 2 ng Konstitusyon kung saan ay maaaring ihayag sa publiko ang mga transaksiyon na may kinalaman sa interes ng publiko at ang section 7, article 3 para sa pagbibigay ng access sa official rercords at dokumento at papeles na may kinalaman sa aksiyon at transaksiyon ng opisyal ng pamahalaan.
Bukod dito, nakita rin ng PAGC na lumabag si Perez sa probisyon ng code at ethical standards para sa public officials at employees, section 1 ng Presidential Decrees 1829 na nagpapataw ng parusa para sa obstruction of justice kabilang ang administrative code of 1987. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest