^

Bansa

Bomber pumalag, binaril, dedo

-
ZAMBOANGA - Napigilan ang isa na namang tangkang pagpapasabog dito matapos na mabaril at mapatay ang isang umano’y bomber na siyang nakatokang magsakatuparan ng plano sa General Santos City.

Nabatid kay provincial Chief Supt. Jose Dalumpines na nanlaban umano ang di pa kilalang suspek na kanilang tinangkang lapitan para sitahin dahil na rin sa kahina-hinalang kilos nito.

Base sa report, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya dito tungkol sa balak na bomb attack sa lugar.

Sa isinagawa nilang pagmamanman ay naispatan nila ang naturang lalaki na kaduda-duda umano ang kilos.

Nang lapitan ng mga pulis para tanungin, agad umanong bumunot ng baril ang lalaki at nagpaputok sa mga pulis kaya napilitan umano ang mga awtoridad na gumanti at pinagbabaril ang lalaki.

Narekober sa bangkay ang isang fragmentation grenade at isang rocket-propelled grenade. Hindi naman malinaw kung para saan ang naturang mga gamit pampasabog.

Ayon kay Dalumpines, ilang pagbabanta na ang kanilang natatanggap mula sa iba’t ibang rebeldeng grupo gaya ng Abu Sayyaf, Pentagon gang at MILF.

Naniniwala naman si Dalumpines na may kasamahan ang napatay na lalaki, gayunman nabigong matukoy kung saang grupo ito kaanib.

Kung matatandaan, nitong Abril ay sunud-sunod na pagsabog ang sumambulat sa General Santos City na pumatay ng 14 katao at sumugat ng 60 iba pa na kagagawan ng ASG.

Nitong Oktubre ay niyanig rin ng pagsabog ang Zamboanga at pati Maynila na pumatay naman ng 23 katao, kabilang ang isang US serviceman.

ABRIL

ABU SAYYAF

AYON

CHIEF SUPT

DALUMPINES

GENERAL SANTOS CITY

JOSE DALUMPINES

MAYNILA

NABATID

NITONG OKTUBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with