Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, sineseryoso ng Malacañang ang nasabing survey at magsisilbi itong paalala o panggising sa administrasyon.
Tanggap ng Malacañang na naapektuhan ang ratings ng Pangulo dahil sa isinisisi sa administrasyon ang problema sa terorismo.
Sinabi ni Tiglao na nagkapatong-patong ang mga pangamba ng publiko sa bantang giyera sa Iraq, ilang pambobomba at ang pagsasara ng Australian at Canadian embassies.
Subalit kumpiyansa ang Malacañang na makakabawi ang Pangulo dahil sa patuloy na ginagawa nitong programa na makakatulong sa mas mahirap na mamamayan. (Ulat ni Ely Saludar)