^

Bansa

Malacañang sineryoso ang resulta ng SWS survey

-
Hindi binabalewala ng Malacañang ang pinakahuling resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na muling bumaba ang ratings ni Pangulong Arroyo.

Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, sineseryoso ng Malacañang ang nasabing survey at magsisilbi itong paalala o panggising sa administrasyon.

Tanggap ng Malacañang na naapektuhan ang ratings ng Pangulo dahil sa isinisisi sa administrasyon ang problema sa terorismo.

Sinabi ni Tiglao na nagkapatong-patong ang mga pangamba ng publiko sa bantang giyera sa Iraq, ilang pambobomba at ang pagsasara ng Australian at Canadian embassies.

Subalit kumpiyansa ang Malacañang na makakabawi ang Pangulo dahil sa patuloy na ginagawa nitong programa na makakatulong sa mas mahirap na mamamayan. (Ulat ni Ely Saludar)

AYON

ELY SALUDAR

MALACA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

SINABI

SOCIAL WEATHER STATIONS

SUBALIT

TANGGAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with