Squatters uupakan ni GMA
December 17, 2002 | 12:00am
Binigyan ni Pangulong Arroyo ng "police power" si Housing and Urban Development Coordinating Council Chairman Michael Defensor para lipulin ang sindikato ng mga squatter sa Metro Manila at iba pang bayan at siyudad sa bansa.
Ang kapangyarihang ito ay nakapaloob sa Executive Order No.153 na nilagdaan ng Pangulo para malutas ang problema sa professional squatters at squatting syndicates.
Nakasaad sa kautusang ito na ang HUDCC ay makakatuwang ng Department of Justice (DOJ) sa pagtugis sa sindikato ng mga squatter na nambibiktima ng maralitang taga-lungsod para magpa-upa o magbenta ng lupaing pribado at pampubliko gayong mayroon nang titulo ang mga ito kundi man hindi ipinagbibili ng gobyerno ang lupain.
Bukod sa DOJ, ang HUDCC na pinamumunuan ni Defensor ay puwedeng humingi ng tulong sa Presidential Commission for the Urban Poor, DILG, DENR, PNP, NBI, Land Registration Authority at Office of the Solicitor General para sa ikabibilis ng pag-aresto sa mga propesyonal na squatter at sindikato nito.
Sa isang kaalinsabay na hakbang, binuwag na ng Pangulo ang National Committee Against Squatting Syndicates and Professional Squatters na binuo noong Oktubre 15, 1993 sa pamamagitan ng EO No.129.
Ang pagbuwag sa naturang komite ay bunsod ng pagkakaloob na ng ganap na kapangyarihan sa HUDCC para lutasin ang problema sa squatter. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest