Drug lords hubaran ng maskara !
December 15, 2002 | 12:00am
Kailangang hubaran na ng maskara ang mga drug lord sa bansa gayundin ang mga miyembro ng PNP na nagbibigay proteksiyon sa sindikato ng droga.
Ito ang direktibang ibinigay ni Pangulong Arroyo kay Interior and Local Government Secretary Jose Lina sa okasyon ng 2002 Presidential Awards for Filipino Individuals and Organizations Overseas na ginanap sa Malacañang.
Sinabi ng Pangulo na ngayong nasugpo na ang pangingidnap, kailangang pagtuunang pansin ni Lina ang pagpapahusay pa ng kampanya laban sa sindikato ng droga.
Kasabay nito, pinuri ng Pangulo ang puspusang pagsisikap ng mga awtoridad na masawata ang illegal na aktibidad ng sindikato ng droga sa bansa.
Ang drug bust operations sa Navotas at ang nakumpiskang shabu sa Valenzuela City noong nakaraang linggo ang pinakamalaking huling naisagawa. (Ulat ni Lilia Tolentino).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended