Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, ang dalawa ay pormal na uupo sa Enero 1.
Kailangan anyang magtalaga ang pangulo ng ma bagong opisyal ng Napocor at Transco para maisakatuparan ang programa ng reporma sa sektor ng kuryente at matugunan ang mahusay na serbisyong kailangan ng publiko.
Sinabi ni Tiglao na sina Morga at Ortiz ay kapwa mayroong mahabang karanasan bilang opisyal ng korporasyon. Ang kanilang magandang record sa pamamahala sa pribadong sektor ay inaasahan ng pamahalaang magiging kapaki-pakinabang.
Nilinaw ni Tiglao na si Rolando Quilala ay hindi nagresign sa Napocor dahil acting president lang ito, habang si Asiclo Gonzaga ng Transco ay matagal ng nag-aaplay ng kanyang retirement.
Si Morga ay isang civil engineer na nagtrabaho sa EEI Corp. sa loob ng 30 taon na nag-umpisa bilang production manager nong 1966. Naging presidente siya ng korporasyon noong 1988 at vice chairman at director mula 1999-2001.
Sa kabilang dako, si Ortiz ay nagkaroon ng ibat ibang posisyon sa negosyo at pamahalaan at naging pinuno ng Senate technical working group para sa Electric Power Industry Reform Bill. (Ulat ni Lilia Tolentino)