Sakay ang mga nabanggit na Pilipino ng isang chartered plane na lumapag sa Clark Airport sa Clark, Pampanga.
Isa sa mga deportee ay galing sa prominenteng pamilya na malapit kay dating Pangulong Estrada.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Blas Ople, ang takdang pagdating kahapon ng mga deportees ay hindi inianunsyo dahil sa kahilingan na rin ng mga ito para sa kanilang privacy.
Nabatid na ipinosas ang mga kamay at paa ng mga deportees nang sila ay isakay sa eroplano bilang pagtupad sa pinaiiral na civil aviation security ng US government.
Isang oras bago mag-landing ang eroplano ay tinanggal ang kanilang mga posas sa paa.
Nagtalaga ang DFA ng tatlong consulate officials na siyang mag-eescort sa mga ito hanggang sa kanilang pagdating sa bansa. (Ulat nina Ellen Fernando/ Pesie Miñoza)