'Pagselyo' sa travel papers ng gov't officials linawin
December 13, 2002 | 12:00am
Dapat linawin ni National Security Adviser Roilo Golez kung ano ang naging papel nito sa kontrobersiyal na memorandum na pinalabas ni Justice Secretary Hernando Perez na nag-uutos na ipagbawal na ipalabas sa media ang impormasyon kaugnay sa biyahe ng mga opisyal ng gobyerno.
Sinabi ni Bulacan Rep. Willie Villarama na nais niyang malaman kay Golez kung kinonsulta siya ni Perez kaugnay sa memorandum nito kay Immigration Commissioner Andrea Domingo na may petsang Nov. 16, 2002 kung saan idinahilan nito ang national security at threat of terrorism para maging confidential ang travel paper ng mga public officials.
Malaki aniya ang maitutulong ng tanggapan ni Golez kung mabibigyan siya ng impormasyon ukol dito.
Kinuwestiyon din nito si Golez kung pumayag ito sa kautusan ni Perez na ang travel records ng mga opisyal ng gobyerno ay itago dahil ang pagpapalabas nito sa media o publiko ay magiging dahilan upang manganib ang buhay ng mga ito. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am