^

Bansa

Intelligence officer na nanakot sa mga embahada sinibak

-
Bunga ng maling impormasyon na ibinigay sa dalawang malaking embahada hinggil sa pag-atake ng mga terorista, sinibak na kahapon sa puwesto bilang intelligence officer ng PNP sa Western Police District si P/Supt. George Gaddi, hepe ng District Intelligence and Investigation Division (DIID).

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jose Lina, maaaring tuluyan nang masipa sa serbisyo si Gaddi sa sandaling irekomenda sa tinatapos pang imbestigasyon ng PNP.

Inihayag ni Lina sa isang panayam na lumabas sa preliminary investigation na tumutukoy sa opisina ni Gaddi na siyang pinagmulan ng eksaherado at nakakaalarmang report na ipinaabot sa mga embahada ng Australia at Canada kaya nagsara ang mga ito.

Kinumpirma rin ni Directorate for Intelligence director Robert Delfin ang isang memo umano na kanilang nakuha na may pirma ni Gaddi na siyang ebidensiya na pinadalhan niya ang mga embassy ngunit tumanggi itong aminin sa kanilang pag-uusap.

Nabatid na padalus-dalos na sinabihan nito ang dalawang embahada ukol sa "specific and credible threats" na hindi dumaan ang impormasyon sa kanyang mga superior.
Treason kay Gaddi
Kasabay nito, ipinag-utos kahapon ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada kay PNP chief, Director Gen. Hermogenes Ebdane Jr. na kasuhan ng treason si Gaddi.

Sinabi ni Lozada na hindi dapat na tanggalin lamang sa tungkulin si Gaddi dahil malaki ang naging "damage" na ginawa nito hindi lamang sa relasyon ng Pilipinas sa mga bansang nagsara ang embahada kundi maging sa ekonomiya ng bansa.

Dapat anyang tingnan din ang anggulong bahagi nang pananabotahe sa Arroyo administration ang ginawang pagli-leak ni Gaddi ng impormasyon na may nais mambomba sa mga nagsarang embahada.

Mas lalakas umano ang kaso laban kay Gaddi sa sandaling mapatunayan na ang mga ipinakalat nitong balita ay isang "tsismis."

Pinatitingnan din ni Lozada sa PNP kung ipinagkalat pa ni Gaddi sa ibang embahada ang exaggerated intelligence report.

Sinabi naman ni PNP chief Ebdane na hindi sinunod ni Gaddi ang procedure ng paghawak ng mga mahahalagang impormasyon.

Sa naturang proseso, dapat umanong pag-aralan ang naturang impormasyon, ipabatid sa lahat ng opisyal ng intelligence department at maghintay ng permiso kung ipapaalam ito.

Ayon naman kay WPD Director Sr. Supt. Pedro Bulaong, hindi hurisdiksiyon ni Gaddi ang lungsod ng Makati kaya hindi dapat nito pinakialaman ang anumang impormasyon na malalaman nito kaugnay sa nasabing lungsod.

Pansamantalang ipinalit kay Gaddi si P/Supt. Rodolfo Llorca, bilang hepe ng DIID. (Ulat nina Lilia Tolentino/Grace dela Cruz/Malou Escudero/Danilo Garcia)

APOLINARIO LOZADA

AYON

DANILO GARCIA

DIRECTOR GEN

DIRECTOR SR. SUPT

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

GADDI

GEORGE GADDI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with